Mag-asawa, apo natusta sa live wire

PATAY sa malagim na trahedya ang isang mag-asawa at ang kanilang apo matapos na makuryente sa live wire na inilagay sa kanilang bahay para sa mga magnanakaw sa Albay.

Kinilala ni Police Supt. Nilo Berdin, hepe ng Daraga PNP ang mga biktima na sina Gonzalo Mangampo, ang asawa nitong si Josephina at apong si Jeric, 3-anyos, pawang residente ng Daraga, Albay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:30 kagabi (Nobyembre 15) sa binabantayang bahay ni Gonzalo.

Ayon sa mga kapitbahay ng mga biktima bago ang insidente ay napag-alamang nilagyan ni Gonzalo ng live wire bago umalis sa kanyang binabantayang bahay bilang pangontra sa mga magnanakaw partikular na ang akyat bahay gang.

Sa kasamaang palad, nakalimutan ni Gonzalo ang kanyang ikinasang patibong kaya nang umuwi ay siya mismo at ang kanyang asawa at apo ang naging biktima ng kanyang pain.

Nahawakan ni Gonzalo ang live wire habang basang-basa sa ulan.

Sinubukan iligtas si Gonzalo ng kanyang asawa at apo subalit maging ang maglola ay nakuryente rin at magkakadikit na natusta ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply