Mag-asawang Arroyo nasa NAIA Terminal 1 na

DUMATING na sa Ninoy Aquino International Airport terminal 1 ang mag-asawang dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, at Mike Arroyo, kasama ang kanilang anak na si Mikey.

Sakay ng ambulansiya ng ST. Luke’s Medical Center, payat at nanghihinang GMA ang agad na inilipat sa wheelchair para diretsong ipasok sa presidential lounge ng pamunuan na pinayagan naman ng NAIA admin bilang prebilihiyo ng mga dating pangulo ng bansa.

Kasama rin ng pamilya Arroyo ang tagapagsalita ni GMA na si Elena Bautista-Horn.

Nakatakdang lumipad patungong Singapore ang pamilya Arroyo ngayong 8:50 ng gabi, sakay ng Dragonair flight.

Samantala, nanindigan naman ang Bureau of Immigration na haharangin nila ang flight ni GMA dahil may isa pa silang watch list order na hawak laban dito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply