Mag-asawang Ligot nagpiyansa sa tax evasion case

LUMUTANG na ngayon si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Comptroller Major General Jacinto Ligot at asawa nitong si Erlinda sa Court of Tax Appeal para makapaghain ng kanilang piyansa kaugnay sa kasong tax evasion.

Kasama ng kanilang abogadong si Atty. Emiliano Bantog, naglagak ng P150,000 para sa apat na kaso ang mag-asawa.

Ayon kay Bantog, hindi nila alam na may ipinalabas nang warrant of arrest laban sa mag-asawang Ligot.

Paliwanang pa ni Bantog na hindi naman umano nagtago ang mga Ligot at nasa out of town lang ang mga ito.

Wala rin aniyang natatanggap hanggang ngayon na warrant of arrest ang mag-asawang Ligot kaya hindi nila alam na may arrest warrant na laban sa kanila.

Matatandaang inatasan noon ni Justice Secretary Leila de Lima ang National Bureau of Investigation (NBI) na hanapin at isilbi ang warrant of arrest sa mag-asawa subalit hindi natagpuan ang mga ito sa kanilang tahanan.

Sinabi ni Bantog na nakahanda namang harapin ng kanyang kliyente ang kasong kinakaharap at wala umanong balak na takasan ito.

Kaugnay nito, nakatakda naman ang arraignment ng mga Ligot sa Nobyembre 16.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply