Mag-asawang Ligot tiniyak na haharap sila sa korte

HAHARAP sa itinakdang arraignment ng korte kaugnay sa apat na kasong tax evasion ang mag-asawang Ligot.

Ito ang tiniyak nina Jacinto at Erlinda Ligot nang sila ay lumutang kahapon (Nobyembre 2) upang magpiyansa ng halagang P150,000.

Ayon sa legal counsel ng mga Ligot na si Atty. Emiliano Bantog, walang balak ang kaniyang mga kliyente na magtago sa batas taliwas sa ipinapahiwatig ng Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni Bantog na wala silang natatanggap na kopya ng court resolution at huli na nila nalaman na ipilabas ang warrant of arrest laban sa mag-asawa.

Matapos maglagak ng P150,000 na piyansa sa Court of Tax Appeals, itinakda ng korte sa Nobyembre 16 ang pagbabasa ng sakdal sa mag-asawa.

Binatikos din ni Atty. Bantog ang hakbang ng DOJ na isailalim sa hold departure order ang kaniyang mga kliyente.

Giit ni Bantog na nasa hursidiksyon na ng korte ang kaso kaya wala umano kay Justice Secretary Leila de Lima ang nasabing kapangyarihan.

Si Jacinto Ligot ay dating military comptroller  at tinuturing na second hing-ranking military official na sinampahan ng tax evasion ng gobyerno dahil sa sinasabing paglustay sa pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply