Mag-ingat kay MRO choosy

ANO ba naman itong pag-aasal ng isang Media Relations Officer (MRO) ng isang mambabatas sa mataas na kapulungan  ng Kongreso?

Akalain mong nasa public service ang kanyang boss na pinaglilingkuran ay sobrang choosy.

Batay sa sumbong na ipinarating kay matang kuwago ng Remate, namimili pala ng tinutulungan at inaasikaso ang MRO na ito lalo na sa mga miyembro ng media.

Sumbong kay matang kuwago, kapag hindi ka kilalang network at hindi sikat na diyaryo ay tiyak na tae ka rito.

Makikipag-usap sa iyo pero segundo lang ang itatagal at ang malupit marami pang ginagawang dahilan.

Nakaaawa tuloy ang isa nating kasamahan sa media na nagtatanong lamang sa kung anong requirement sa isang programa tungkol sa edukasyon ng kanyang boss.

Imbes na asikasuhin ay biglang sinabi na pasensya na at nagmamadali raw siya.

May lakad pa at hindi raw niya alam ang tinatanong ng ating kasamahan sa media.

Gayong ang MRO na ito ay wala namang ginagawa sa kanyang buhay lalo na sa tanggapan ng kanyang boss maliban na lamang kung mayroong activity sa labas ang kanyang amo.

Ang malupit pa nito ay napakalaki raw ng suweldo ng MRO na ito gayong hindi naman yatang marunong magsulat ng Press Release at mag-transcribe ng interview ng kanyang boss.

Basta ang eksena lang niya sa buhay ay magpa-cute at mag-modelling gamit ang anomang nais niyang kasuutan na kung minsan ay sobrang baduy.

Sa sobrang choosy nito ay hindi na ito dinadaluhan ng mga miyembro ng Senate media sa okasyon ng kanyang boss sa kabila ng imbitasyon.

Papaano ba naman, sa tuwing bababa sa Press Office ay piling-pili rin ang kanyang kinakausap.

Nakalimutan na yata ng MRO na ito na ang bawat istasyon ng radyo at telebisyon ay may kanya–kanyang viewer at listener at ang bawat newspaper entity ay may kanya-kanyang readership.

Ang MRO na ito ay isang tunay na babae at kung nais ninyong kumain ng seafood ay sa kanya kayo mag-request.

Iyon ay kung pagbibigyan niya kayo at malakas kayo sa kanya.

Kasi iyung iba hindi na nagre-request, kusa na niyang pinapadalhan.

Ewan lang kung may red tide ngayon, ha.

iyak na kilala na ninyo ito pero kung hindi pa, mukhang malakas ang agimat ng MRO na ito kaya sobra ring lakas kung sumipsip sa kanyang boss. Hehehe!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply