Mag-ingat sa mga regalong may lason

NANGANGAMOY na ang Pasko at Bagong Taon.

‘Yang gip gibing at gip resibing ay nauuso na.

Ang dami nang nag-iisip kung ano ang pupuwede nilang ibigay sa iba, matanda man o bata, lalaki man o babae.

Marami na rin ang nagwiwis kung ano-ano ang kanilang mga tatanggapin.

Dahil dito, marami ang nag-aalok ng pupuwedeng maging regalo.

Marami rin ang gumagawa ng mga ito.

Uso na ang sinasabing personalays.

Sa personalays na yan, mag-aapir ang iyong ngalan o palayaw o saktong bertdey o anomang pagkakakilanlan sa iyo.

At pinagaganda nang husto ang mga ito.

Pupuwede mong idispley yan o gamitin o ipagamit sa iba at ipagmalaki. Para sa mga pulitiko, kapag nakatatak sila sa mga bolpen, sombrero at t-shirt, personalays din yan.

oOo

Balik tayo sa regalo sa krismas. Uso ang mga baso, mug, plato, tasa at kung ano-ano pa.

Mga maliliit para makarami at makatipid.

Sabi nga ng mga tumatanggap, it’s not the gift that matters but the thought.”

Mas mahalaga na naisip ka ngayong Kapaskuhan kaysa krismas gip na naibigay sa iyo ng iba.

Tama nga naman.

Pero alam ba ninyo na dahil sa ganda ng mga regalo, marami pala ang may lason sa mga ito.

Kapag pinaganda nang husto sa pamamagitan ng pintura ang regalo sa iyo, mag-ingat-ingat ka na.

Araw-araw kang makakain diyan ng mga kemikal na ginamit sa pintura.

Kapag nagkasakit ka o naging bobo ang anak mo dahil sa kagagamit ng mga napakagagandang regalo mula sa pintura, saka mo na lang maaalala na nalason ka na pala.

Kaya mag-ingat sa mga regalo ngayong Krismas taym at bagong taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply