Magat Dam nagpakawala ng tubig, 3 tulay apektado

DAHIL sa pag-apaw ng tubig sa Cagayan River ay nagpakawala ng tubig ang Magat Dam na nakaapekto naman sa tatlong tulay sa Isabela.

Kabilang sa mga naapektuhang tulay ay ang Alicaocao bridge sa Cauayan City at mga tulay sa Isabela, Sta. Maria at Cabagan na nag-uugnay sa Sto. Tomas at Cabagan.

Patuloy pa rin sa pagpapakawala ng tubig ang Magat Dam sa Ramon, Isabela dahil sa pagtaas ng water level nito bunga ng mga pag-ulan sa mga watershed areas sa Nueva Vizcaya at Ifugao.

Sa nakuhang impormasyon kay Mr. Alexander Lucas, engineering assistant ng Magat Dam Reservoir, nabatid na ang water elevation ng dam ay umabot sa 192.95 meters na malapit na sa spilling level nito na 193 meters.

Ang inflow o pumapasok na tubig ay 1,158 cubic meters per second (cms) at ang outflow o ipinapalabas na tubig ay 1,158 cms din at tatlong radial gate ang nakabukas na may taas na limang metro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply