Mamimirata ng Pacquiao-Marquez fight huhulihin

MAHIGPIT na iniutos ni Manila Mayor Alfedo Lim sa Manila Police District (MPD) ang mahigpit na pagbabantay sa mga nagbebenta ng mga pirated copy ng laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.

Mahigpit na pinababantayan ang Quiapo area kung saan talamak at nakasentro ang bentahan ng mga pirated DVD at VCD.

Magugunitang, sa mga nakaraang laban ni Pacquiao ay mabilis na kumakalat ang mga piniratang kopya ng laban ilang oras pa lamang ang nakakalipas matapos itong maipalabas sa telebisyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply