Magbobote pisak sa van sa Valenzuela City

PATAY ang isang magbobote matapos magulungan ng van nang masagi ng ibang sasakyan ang dalang pedicab ng una sa Valenzuela City kagabi (Nobyembre 13).

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Bernardino Ampo, 42 at taga-Santolan, General T. De Leon ng lungsod.

Sumuko naman si Raymund Sacayan, 27-anyos, tubong Camarines Sur at drayber ng Isuzu Van (PAZ-899).

Base sa ulat, dakong alas-9:15 ng gabi, sakay ng pedicab, binabagtas ng biktima ang East Service Rd., Lawang Bato ng lungsod nang masagi ng trak na hindi na nakuha ang plaka.

Bumaligtad at tumilapon ang biktima at nagulungan naman ng parating na van na dala ni Sacayan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply