Maghanda uli sa baha

MAGHANDA ulit sa baha.

May dalawa kasing namumuong bagyo sa repablik ni Juan.

Matatagpuan sila sa labas ng Mindanao at patungo sa Norte hanggang sa lalabas ang mga ito sa West Philippine Sea.

Pagdating nila sa lugar na yan, magiging ganap silang mga bagyo.

May dala-dalang ulan ang mga ito na maaaring siyam-siyam.

oOo

Marahil ang pangamba sa pagkakaroon ng ulan ng mga sama ng panahon ang dahilan ng pag-iingay ng mga may hawak ng dam ngayon.

Sinasabi nilang puno ang mga dam. Ang Magat Dam naman ay nagpakawala na ng tubig ngunit para umano sa mga irigasyon.

Sa sinasabi at ikinikilos ng mga may hawak ng dam, ipinahihiwatig nilang enitaym, eh, magpapakawala sila ng tubig.

‘Yan ay kung magtutuloy-tuloy ang mga pag-ulan dahil sa mga namumuong bagyo.

oOo

Siguro, ngayon pa lang ay dapat na ring magpa-labas ang mga kinauukulan ng mga babala.

Hindi masama na magbigay ng babala ang mga ito upang makapaghanda ang mga tao sa mga lugar na maaapektuhan ng pag-ulan at posibleng pagpapakawala ng mga dam ng tubig.

Hangga’t maaari ay huwag biglain ang mamamayan o bigyan sila ng napakaigsing palugit na maghanda.

Hindi madali, Suki, ang pagkilos ng libo-libong pamilya para pumunta sa mga ligtas na lugar.

Ang mga gamit, alagang hayop, ang mga pananim at iba pa ay hindi rin madaling mailagay sa maayos na kalagayan sa pag-ebakwit ng mamamayan.

oOo

Dapat alalahanin ng mga kinauukulan na ang mamamayan ay hindi pa nakababangon mula sa pagkakalugmok sa hirap dahil sa baha.

Ang maagang babala at pag-ayuda sa kanila ay makababawas sa kanilang napakahirap nang kalagayan.

Paano, huh!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply