Magkakagulo sa Pinas pag may masamang mangyari kay GMA

TIYAK na magkakagulo sa Pilipinas kapag may masamang mangyari kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal–Arroyo

Ito ang babala ni Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa admisnistrasyon Aquino kasunod ng pagbabalewala sa hiling ni\g dating pangulo na makapagpagamot sa ibang bansa.

Ipinaliwanag ni Archbishop Cruz, na oras na malagay sa panganib ang buhay ng dating Pangulo, pagmumulan ito ng kaguluhan at walang ibang sisisihin kundi ang pamahalaang Aquino.

Aniya, maituturing nang katarungan sa nagawa niyang katiwalian ang karamdamang dinaranasa ni Gng. Arroyo ngayon.

“Hindi ako GMA admirer, kahit kailan hindi ko napuri ang former president. Pero hindi ibig sabihin noon, na porket nakadapa na ang tao ay aapakan mo pa. Una, dapat na nilang payagan dahil kapag may nangyari sa ale nayan, aba’y katakot-takot na gulo yan,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas!

Aniya, siguradong tatamaan ng sisi ang Malakanyang.

Sinuportahan din ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso ang pahayag ng arsobispo.

Ani Bishop Medroso, ang bawat isa ay mayroong right to health na dapat ikunsedera ni Pangulong Benigno Aquino III.

“Sa pagkakataong ito ay dapat ikunsedera ng pamahalaan ang karapatan ng dating pangulong Arroyo at iba pang mamamayan na pangalagaan ang kalusugan. Ang bawat isa ay mayroong “right to health. Kapag may nangyaring masama sa dating Pangulo ay magbo-bomeerang ito sa present administration,” pahayag ni Bishop Medroso sa panayam ng Radio Veritas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply