Magkapatid na paslit nalitson ng buhay

NALITSON ng buhay ang dalawang magkapatid na musmos nang ma-trap sa loob ng nasusunog nilang bahay sa lalawigan ng Quezon, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, nalitson ng buhay ang magkapatid na biktima nang matupok ang kanilang bahay bandang alas-2:00 ng hapon sa Sition Kiapoy, Barangay Sto. Tomas, Tagkawayan, ng nabangit na lalawigan.

Sa isinagawang imbestigasyon ay lumalabas na iniwan ng ina ang kaniyang isang taong gulang (babae) at apat na taong gulang (lalaki) na anak sa kanilang bahay upang manguha ng kahoy na panggatong nitong kamakalawa ng hapon

Maging ang ama ng mga bata ay naghilakbot sa sinapoit ng kanilang mga anak ng dumating ito sa kanilang lugar kinagabihan.

Ayon sa mga arson investigators, mabilis na nilamon ng apoy ang kabahayan dahil yari lamang ito sa light materials subalit hindi kaagad natukoy kung ano ang pinagmulan ng sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply