Magkasintahan itinali sa puno bago kinatay

ITINALI ang mga kamay, tuhod, binti at leeg saka iginapos sa dalawang puno at pinagsasaksak na parang baboy ang isang 18-anyos na babae at boyfriend nito sa isang madamong bahagi sa isang barangay sa Cebu City.

Nakilala ang mga biktima na sina Jennlyn Premacio, may dalawang anak, at ang kasintahan nitong si Junard John Inoc Balorio, 17, na kapwa wala ng buhay ng matagpuang nakatali sa mga puno sa barangay Datag noong Linggo ng hapon.

May saksak si Jennlyn sa leeg at ibang bahagi ng katawan, samantalang si Junard ay may dalawang saksak sa leeg, binaril sa kaliwang binti at may sugat sa mga mata, ayon sa mga kaanak na nakakita sa kanilng kalagayan nang matagpuan.

Ayon kay SPO1 Danny Alburo ng Cordova Police Station, iniimbestigahan nila kung ano ang motibo ng pagpatay sa dalawang biktima.

Sangkot umano ang mga ito sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot pero tinitingnan din at ang anggulo na love triangle dahil ang dating karelasyon ng biktimang babae ay isa  ring drug pusher na bago maganap ang pamamaslang ay hinahanap ang biktima.

Ayon sa kapatid ni Jennlyn na si Jonalyn, bago pa man nito naging kasintahan si Junard ay naging karelasyon nito ang isang drug pusher na ‘di pinangalanan na isa mayroong asawa. Nang magkahiwalay ang dalawa ay naiwan umano ni Jonalyn sa bahay ng drug pusher ang kanyang computer kayat ninais nitong makuha ito subalit tumanggi umano ang lalaki dahil narinig ni Jonalyn sa isang pag-uusap ng dalawa sa cellphone na kung hindi ibibigay ang computer ay magsusumbong umano ang babae sa mga iligal na gawain ng drug pusher.

Ito marahil ang dahilan ng pagkakapatay kay Jennlyn,upang patahimikain ito at nadamay ang kasintahang si Junard na kasama nito ng matunton ng umano’y killer. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply