Magkasintahan todas sa ambush

PALAISIPAN pa sa Bukidnon Provincial Police Office ang motibo sa naganap na pananambang at pagpatay sa magkasintahan na pinaulanan ng bala sa loob ng kanilang kotse sa ulat ng pulisya kanina.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Usmon Rey Dalugdog, taga-Davao City at Colombia Alfan Caragay, ng Barangay Patag sa Cagayan de Oro City

Ayon kay SPO1 Junolan Tama ng Maramag Police Station,  may hawak ng kaso, tinambangan ng apat na hindi pa nakikilalang mga suspek ang magnobyo at saka pinagbabaril gamit ang M-16 Armalite rifle.

Isa sa angulong tinututukan ng mga imbestigador ay may kinalaman sa droga makaraang makatanggap sila ng impormasyon na mayroong kinakaharap na kasong illegal drugs at carnapping si Dalugdog.

Napag-alaman na galing sa syudad ang mga biktima at papuntang Davao City nang tinambangan ng mga salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply