Maguindanao massacre gugunitain bukas

ISANG araw na lamang at ika-dalawang taong anibersaryo na ng Maguindanao massacre.

Magsasagawa ng commemoration activity bukas (Nobyembre 23) ang provincial government ng Maguindanao bilang paggunita sa malagim na pangyayari.

Magsasagawa rin ng motorcade ang mga kaanak ng mga biktima patungong sa Forest Cemetery kung saan inilibang ang may 12 miyembro ng media .

Isang misa rin ang iaalay para sa mga biktima.

Sa statement na ipinalabas ng Heirs of 11/23 Heroes Incorporated, hiniling nila ang patuloy na pagsuporta ng publiko upang mabigyan ng hustisya ang 58 biktima na nasawi sa Maguindanao massacre na kinabibilangan ng 36 media practitioners.

Pagdating ng sementeryo, isang misa ang isasagawa at pagkatapos ay may inihahanda na programa.

Hiniling ng grupo sa publiko na ipagpatuloy ang pagsuporta para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng karumal-dumal na krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply