Maguindanao Massacre tapusin na – solon

TAPUSIN na ang isyu at kaso ng malagim na masaker sa Maguindanao.

Pinanawagan ni Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo sa korte na bilisan ang pagdinig upang makamit na rin ng pamilya ng mga biktima ang hustisya.

Ngayong araw ang ikalawang taon ng Maguindanao Massacre kung saan mahigit sa 50 katao ang sama-samang pinaslang sa Maguindanao kabilang ang 32 mamamahayag.

“The conclusion of the trial could put a closure for what he described as the single worst act of violence against Filipino journalists.”

Binigyang diin ni Castelo na dahil sa bagal ng mga pagdinig ay mabagal ding nakakamit ng mga biktima ang hustisya at habang tumatagal aniya ay lumalabo rin ang pagpapataw ng katarungan sa krimeng ito.

“While saying that justice delayed is justice denied authorities should hasten the trial and bring it to its rightful conclusion to avoid the impression that the suspects were working for the settlement of the case with the families of the more than 50 victims.”

Giit pa ni Castelo na kung nais ng bansa na umusad ito ay dapat ng tapusin ang malagim na kasaysayang ito na tumatak hindi lamang sa mga Pilipino kungdi sa buong mundo.

“The Maguindanao massacre is the single worst act of violence against journalists in the annals of Philippine journalism. What makes it painful is the slow grind of the judicial process, which tends to highlight the culture of impunity in our country. We have put a closure to this dark page in our history, if we wish to move forward as a nation.”

Dismayado rin si Castelo dahil posibleng marami pa aniyang sangkot sa krimeng ito ang hanggang ngayon ay nakalalaya at hindi pa napaparusahan. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply