Magulang ng batang mangangaroling sa kalsada huhulihin

IPINAGBABAWAL ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman ang pangangaroling ng mga bata sa kalsada sa Maynila na dinadaanan ng mga sasakyan.

Ayon kay Soliman, mapanganib para sa mga bata ang mangaroling sa kalsada kung saan maaari silang maaksidente.

Dahil dito, nakipag-ugnayan ang DSWD sa mga local social welfare office ng mga pamahalaang lungsod at Shoe Mart upang magtalaga ng isang lugar sa SM kung saan maaaring mangaroling ang mga bata.

Kailangan lamang makipag-ugnayan sa local DSWD ang mga batang nais na mangaroling sa mga SM Shopping Mall.

Kasabay nito, sinabi ni Soliman na huhulihin ang mga magulang ng bata na nagpapabaya sa mga anak.

Hiningi ni Soliman ang tulong ng Manila Police District(MPD) upang i-turn over sa Manila Social Welfare Department ang mga bata gayundin ang mga magulang na pasaway na papayagan na mangaroling ang mga anak sa lansangan.

Gayunman, inirekomenda ni Soliman na sa loob lamang ng mga barangay mangaroling ang mga bata upang maiwasan ang aksidente.

Aniya, naiintindihan niyang hindi maiiwasan ang pangangaroling dahil ito ay bahagi ng nalalapit na Pasko.

Umapela rin si Soliman sa mga magulang na arugain ang mga anak at huwag gamitin upang magkapera.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply