Pagbabawal sa mahahalay na billboards, video ads isinusulong

TULUYAN nang ipagbabawal sa Edsa at lahat ng pangunahing lansangan sa buong bansa ang billboards at video advertisements na mahahalay dahil nagbabandera nang halos hubad na mga modelo.

Ito ay sa sandaling maisabatas ang Senate bill bilang 1078 na inihain ni Senador Manny Villar.

Paliwanag ni Villar, ang mga billboards at video ads  na maituturing na obscene o malalaswa ay maaring mag-udyok sa mga kabataan na gayahin ang mahahalay at mapang-akit na pagdadamit at kilos at maaring magtulak sa iba na gumawa ng kahalayan o sex-related offenses.

Gayundin, aniya, maari rin umano itong maging sanhi ng mga aksidente sa lansangan dahil naagaw ng mahahalay na billboards ang konsentrasyon ng mga driver.

Kapag naging batas, ang lalabag ay maaring makulong ng hanggang anim na buwan, pagmumultahin ng hanggang halos P100,000 at tatanggalan ng permit o lisensya bilang advertiser.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang maglalatag ng rules and regulations at tutukoy ng mga pangunahing lugar o lansangan at ang Department  of Justice ang magdedemanda sa mga lalabag. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply