Mahigpit na seguridad sa mga paliparan, pantalan at bus terminal tuloy

INIHAYAG ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na patuloy ang paghihigpit nila sa seguridad ng mga paliparan, pantalan at bus terminals para sa kaligtasan at kaayusan ng mga motorista.

Ayon kay Transportation Secretary Mar Roxas, kailangang ipatupad pa rin ang inilatag na hakbanging pang-seguridad para masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng publiko na mga nagbabalikan na sa Metro Manila matapos na gunitain ang Undas.

“Priyoridad natin ang seguridad ng publiko, lalong lalo na yung mga pabalik na mula sa kani-kanilang probinsiya,” pahayag ni Roxas.

Gayunman, pinayuhan ang publiko na dapat ding maging vigilante at maging alerto sa kanilang paligid upang makaiwas na rin sa mga masasamang loob.

Libo-libong biyahero ang papaluwas na ngayon sa Metro Manila mula sa iba’t ibang lalawigan para sa pagsisimula ng klase bukas (Nobyembre 3) matapos ang sem break ng mga estudyante at magpalipas ng Undas.

Inaasahang magsisikip ang North Expressway sa mga biyahero mula sa Ilocos Region, Caraga at Northern Tagalog at ang South Super Highway kung saan manggaling naman ang mula sa Southern Tagalog, Bicol Region at Region 4B.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply