Mahistrado ng SC di dapat appointed ng pangulo

NANINIWALA ang isang church group na hindi dapat appointed ng pangulo ang mga mahistrado ng Korte Suprema upang hindi magamit ang mga ito sa kanilang pansariling interes.

Ito ang apela ng church group na Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP), grupong kumukupkop sa mga whistle blower gaya ni ZTE-NBN whistle blower Jun Lozada, matapos na agad na maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) para payagang makalabas ng bansa si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Sister Mary John Mananzan, chairperson ng AMRSP, nagagamit lamang ang mga appointed na mahistrado ng SC para sa interes ng isang Pangulo ng bansa gaya nang nangyayari ngayon sa kaso ni Arroyo.

Mungkahi pa nito, dapat na mismong mga abogado o miyembro ng Judicial Bar Council (JBC) ang magtatalaga ng mga mahistrado na bubuo sa Korte Suprema.

Hindi na rin umano nagtataka si Mananzan sa naging desisyon ng Korte Suprema na pumabor kay Arroyo na magpagamot sa ibang bansa.

Ayon kay Mananzan, inaasahan na niya ito lalo pa’t walo sa mga mahistrado ng SC ay mga appointee ng dating Pangulo.

Matatandaang walo rin ang mga mahistrado na pumabor sa hiling na TRO ni GMA upang mapayagan siyang makapagpagamot sa ibang bansa.

Giit ng Mananzan, nakakalungkot dahil nangingibabaw sa bansa ang pulitika at interes ng iilang tao kaysa sa milyun-milyong Filipino na nagnanais na mapanagot sa batas ang dating Pangulo dahil sa iba’t ibang katiwalian na kinasangkutan nito at ng dayaan noong 2004 at 2007 elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply