Mainit na bakbakan sa TRS-Ford Fiesta Cup

WAGI sina Charlie Cojuangco at Ross Jackes sa ginanap na Tuason Racing School-Ford Fiesta Cup noong nakaraang linggo sa Batangas Racing Circuit.

Namayagpag ang dating congressman na si Cojuangco sa Race 1 at 2 ngunit ang final race ay inangkin ni Jackes. Hindi naging madali ang unang round ng karera para kay Cojuangco. May mga pagkakataong nauungusan siya ng kanyang mga katunggali, at katunayang pa nga, nalaglag pa ito sa ikaapat na posisyon mula sa lead position, bago niya inararo ang kanyang GT40-Ford Fiesta. Nang makuha na niya ang tamang tiyempo, hindi na nito pinalagpas ang kanyang pagkakataon at tuluyang iniwan ang 2nd placer na si Bobby Horrigan at ang 3rd placer na si Stefan Wolf.

Habang ang kanyang mahihigpit na kalaban ay nagkakarambola na, tuloy-tuloy ang arangkada ng dating congressman pagdating sa ikalawang round. Nagkagitgitan naman sina Eric Choi at Wolf para sa ikalawang posisyon, habang sina Jackes at ang binatang si Basti Escalante ay nagkabanggaan pa para sa ikatlong pwesto. Hindi kinaya ng sasakyan ang init ng kanilang bakbakan at sa huli nga’y napunta kay Horrigan ang ikatlong pwesto; si Choi ang nakakuha sa ikalawa.

Pagdating sa huling round, si Jackes ang nauna sa hanay ng mga sasakyan sa Grid at tinuloy-tuloy na niya nito hanggang sa makarating sila sa finish line.

Balik-2nd place si Horrigan habang si Cojuangco naman ay laglag sa ikatlo.

Ang TRS-Ford Fiesta Cup ay suportado ng Ford Group Philippines, Castrol, Bridgestone,  Standard Insurance, Coke Zero, Hafele, Ford Alabang, Smart Bro, Smart Netphone, U-boat, Oakley, Rota, Hastravel, Speedlab, Starbright Bodykits, Emotion Suspension, AAP, C! Magazine, Channel V, Stoplight TV, Ronda Remate Motoring, Turbozone, at ng 99.5RT.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply