Makikipag-eye ball, bebot kritikal sa 2 tripper

KRITIKAL ngayon ang isang 32-anyos na babae matapos itong saksakin ng dalawang di nakilalang tripper habang hinihintay ang kanyang ka-eye ball kagabi (Lunes, Nobyembre 7) sa Port Area, Maynila.

Inoobserbahan sa Gat Andres Bonifacio Medical ang biktimang si Arlene Krouse, ng No. 6 J Basa St. Sta Lucia Novaliches Quezon City, dahil sa tinamong apat na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tumakas naman ang suspek matapos ang pananaksak sa biktima.

Sa ulat ni PO2 Boy Baladjay ng Manila Police District PS 5, dakong 8:45 ng gabi nang makitang nakahandusay sa kalsada ng Baseco Compound Port Area ang biktima.

Isang Lilibeth Abdul umano ang nakakita sa biktima, dahilan para ipagbigay-alam sa barangay 649 Zone 68, ang nakita. Ang barangay naman ang nagrepot sa pulisya.

Nabatid na nagtungo umano ang biktima sa lugar upang makipagkita sa kanyang textmate nang pagtripan ito ng mga suspek.

Patuloy naman sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo ng pananaksak sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply