Makulit na tiyuhin, utas sa asar na pamangkin

ISANG 58-anyos na lalaki ang namatay nang hatawin ng kawayan ng kanyang menor de edad na pamangkin na nairita sa kakulitan ng biktima sa Capiz, sa ulat ng pulisya kanina.

Base sa report , kritikal na ang lagay ng biktima na kinilalang si Atlantico Magbanua nang isugod sa pagamutan makaraang hambalusin ng kanyang pamangking dalagita na itinago sa pangalang Eunice, 17, ng  Sitio Busay, Barangay Poblacion, Panit-an, Capiz.

Ayon sa imbestigador na may hawak ng kaso, nairita si Eunice sa ginagawang pagwawala ng kanyang tiyuhin dahil sa kalasingan.

Dahil sa pagkairita, hinampas ng dalagita ang biktima ng kawayan upang matauhan.

Sapol sa  ulo ang lalaki at kaagad na isinugod sa Roxas Memorial Provincial Hospital (RMPH), ngunit hindi na nailigtas ng mga doktor.

Agad din namang dinala ng mga magulang ang dalagitang sa Panit-an police station upang isuko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply