Makupad sa pagresponde, maliksi sa tong-collection

HALOS mag-iisang buwan nang nakaupo si MPD PS1 Supt. Rolando Tumalas, este Tumalad pero wala pa tayong nakikitang ginagawa nito sa nasasakupan niyang  presinto.

Lalong lumala ang kriminalidad sa PS1 simula nang maupo si Supt. Tumalad sa halip na mabawasan ang bilang ng mga nangyayaring krimen sa nasasakupan nito.

Mantakin ninyo, kamakailan lang ay muntik nang mapatay ng mga ‘di nakikilalang mga holdaper na sakay ng tatlong motorsiklo ang isang police bodyguard ni Manila Vice
Mayor Isko Moreno.

Pinagsalukuban ng mga holdaper ang bodyguard ni Isko habang sakay rin ito ng kanyang motorsiklo sa Northbay Boulevard,Tondo, Maynila.

Pinadapa at saka nilimas ng mga holdaper ang mamahaling kuwintas na suot ng nasabing bodyguard.

Ang siste pa, habang kinukuha umano ng mga holdaper ang mga mahahalagang dala ng bodyguard ni VM Isko ay nagpaputok paitaas nang sunod-sunod ang mga holdaper na tumagal ng halos 20 minuto subalit ni isang pulis ng PS1 ay walang nakitang rumesponde. Bakit?

E, paano marami sa mga pulis sa PS1 ay15/30 o mga (nakabaon)kaya mangilan-ngilan lang ang napagkikitang  naka-duty sa presinto.

May naka-duty ngang pulis, gaya nitong si PO3 Duran, alyas ata Rolly, pero wala namang ginawa kundi bantayan ang mga parating na intelihensiya  na ibinabagsak ng mga GL, vendor, patulo, paihi at iba pang mapagkukwartahan sa PCP na mas kilala sa tawag na Compact na nasa Rodriguez St., Balut.

Ang masakit, sa tuwing humihingi ng responde ang mga tao sa PS1 ay wala ni isang pulis na nagreresponde dahil ilan lang ang regular na pumapasok rito.

Anoman ang reklamo mangyari ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@ yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply