Malabong lumipat sa TV5 si Ate Vi

DIRECT to the point! Kaya lumipat si Gabby Concepcion sa TV5 ay dahil kay Boss Vic Del Rosario of Viva Films who is now co-managing him. Naengganyo siya sa mga magagandang projects na ino-offer sa kanya.

Noon pa man daw ay ito na ang naging basehan niya kung bakit siya nagbalik showbiz noong 2008. Gusto niyang gumawa ng mga makabuluhang projects worthy for his comeback. Kaya nga inayawan niya noon ang movie na inoper sa kanya ng GMA Films na light comedy na mala-Love Boat ang tema kasi para sa kanya that’s not a good comeback vehicle for him. Kaya he opted to join ABS-CBN instead at binigyan naman siya ng magandang soap with Claudine Barretto and a movie with Angelica Panganiban.

Pero ngayon nga ay masaya naman siya bilang isang bagong Kapatid at nakasama pa niya ang first leading lady niya ever na si Dina Bonnevie (Katorse was his first movie).

Aminado ang TV5 na hindi nila inoper kay Sharon Cuneta ang project dahili alam nila na hindi gumagawa ng soaps si Sharon at nakatali pa ang Megastar sa ABS-CBN. But the rumors are persistent na by next year ay magiging Kapatid na rin si mega so may possibility na magkasama na rin sila ni Gabby sa isang project under TV5 na hindi nagawa ng ABS-CBN.

“TV5 is very much interested in securing the services of Ms. Sharon Cuneta. But as of now naka-depende ‘yun kay Vic Del Rosario ng Viva who is handling the negotiations. At saka hindi sa amin nakadepende kung matutuloy ang isang Sharon-Gabby project which we really love to make. Nakadepende ýun kay Sharon lahat,” pahayag ni Mr. Perci Intalan, VP for Entertainment ng TV5.

Pero dinenay ni Perci ang tsikang may offer ang TV5 kay Sharon na P16M a month guaranteed salary. Maski ang controversial na P700,000 per taping na offer raw ng TV5 kay John Lloyd Cruz.

“May offer talaga ang TV5 kay John Lloyd but I’m not at liberty to disclose the exact amount. Pero sa isyung ginamit lang ni John Lloyd ang TV5 para magpataas ng presyo sa ABS-CBN, I cannot comment on that kasi wala akong alam diyan. We are not forcing naman anyone to be a Kapatid. Basta we would like to work with stars who would like to work with us,” pahayag pa rin ng TV5 Creative and Entertainment Production Head.

Hindi rin makapag-comment nang diretso si Mr. Intalan tungkol sa balitang paglipat ng Star For All Seasons na si Gov. Vilma Santos sa Kapatid Network.

“All I can say ay gustung-gusto ng TV5 na makatrabaho si Gov. Vi. Naghahanap pa kami ng magandang project para sa kanya.’Yun kasi ang ibinigay na kundisyon sa amin ni Vi. Dapat maganda ang project. I don’t think makakagawa ng soap si Vi dahil super busy siya sa work niya as Batangas governor. We are even willing to hold the tapings sa Batangas mismo para hindi na siya aalis pa ng Batangas pero mukhang hindi pa rin uubra,” kwento ni Perci.

Balik naman sa initial project ni Gabby sa Cinco, gusto nilang ipaalam sa lahat na hindi ito isang remake kungdi isang sequel sa movie nina Sharon at Gabby. Bale isasalaysay rito ang naging buhay nina “Mark” at “Kristine” 30 years later (pinalabas ang original movie noong 1981). Makakasama nina Gabby at Dina rito sina Cogie Domingo, Lloyd Samartino at ang bagets loveteam nina Alex Gonzaga at Kean Cipriano and AJ Muhlach at Nadine Lustre, under the direction of Robert Quebral and Elaine Lozano. Co-prod ito ng TV5 at Viva.

***

SINA Dennis Trillo, Solenn Hesaff at Jacky Woo ang special guests ng Bubble Gang ngayong Biyernes. Kasama sila sa Batuhan Sa Classroom gas at Magnolia Chicken (Robot) commercial spoof. Alamin sa Boses Lang, ang voice-activated TV at ang bagong super hero na isang senior citizen na si Super Senyor! Magpapalit naman ng personalidad sina Cheche Bureche at alamin ang Epekto ng Beer sa tao. Tingnan din ang buhay pag-ibig ng isang human puppet sa Puppet Love at ang regulars na Ba’t Ganun, Pick-Up Lines at Moymoy Palaboy (Boom-Boom ng Venga Boys).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply