Malakanyang binati si Pacman sa panalo vs JuanMa

PINANGUNAHAN ng Malakanyang ang pagbati sa Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Emmanuel “Manny” Pacquiao dahil sa matagumpay na laban kay Juan Manuel Marquez.

Pinuri naman ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office secretary Ramon Carandang si Marquez dahil sa magandang laban na ibinigay kay Pacman.

Sa kabilang dako, sinabi rin nito na wala ring kuwestiyon na si Marquez ay “probably the worthiest opponent Pacquiao has ever faced.”

“Congratulations din kay Marquez (We also congratulate Marquez) for a very good fight,” ang diing pahayag ni Sec. Carandang.

Sa ulat, nanindigan naman si WBO welterweight champion Manny Pacquiao na siya ang tunay na nanalo sa kanilang trilogy ni Juan Manuel Marquez.

Aniya,  makikita iyon sa desisyon kung sino ang tunay na nagwagi.

Pero inamin din ng pound-for-pound king na nasaktan ito sa mga suntok ni Marquez at patunay na talagang magaling na counter puncher si El Dinamita.

“Well, it’s very clear I won the fight.  And we have to accept that Marquez is good fighter also and a good counter puncher,” wika ni Pacquiao.

Maging si Top Rank Promotions President Bob Arum ay kumbinsido na si Pacquiao ang nanalo.

“I had Manny winning this fight,” ang pahayag ni Arum.

Sa score cards ng tatlong, judges nakuha ni Pacquiao ang scores na 114-114, 115-113 at 116-112.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply