Malakanyang full support kay Pacman

NAGPAHAYAG ng suporta ang Malakanyang kay Congressman Manny Pacquiao sa nalalapit niyang laban kay Juan Manuel Marquez ng Mexico.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte, naniniwala ang Palasyo na tatalunin ng pambansang kamao si Marquez sa kanilang ikatlong pagtutuos bukas, araw ng Linggo.

Inaasahan din umano ng Palasyo ang “zero crime” sa araw ng laban at hinikayat nito ng mga lokal na pamahalaan na magpalabas ng laban ni Pacman nang walang bayad para sa kanilang mga nasasakupan.

“We express our full support for our Pambansang Kamao… talagang nakasuporta tayo kay Congressman Pacquiao”, ayon kay Valte.

Samantala, hindi naman nagkomento si Valte hinggil sa maraming mga pulitiko ang lumipad at pumunta sa Las Vegas para personal masaksihan ang laban. “Internal matter” lang umano ng House of Representatives ang naturang isyu.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply