Palasyo no comment sa ‘tweet’ ni Kris Aquino

AYAW magkomento ng Malakanyang sa pahayag ng TV host/actress na si Kris Aquino hinggil sa desisyon ng Supreme Court (SC) sa Hacienda Luisita case.

Kung maaalala, sa botong 14-0 ay ipinag-utos na ng SC ang pamamahagi sa mga lupain sa Hacienda Luisita na pag-aari ng kanyang mga kaanak.

Sa kanyang Twitter account, inihayag ng bunso sa presidential sisters na nirerespeto nila ang desisyon ng Korte Suprema at malalampasan ito ng kanyang pamilya.

“We respect the Supreme Court, we survived even when they took everything from us, including our Dad’s life- & we will survive even this. Beautiful quote: If u r an athlete, u will never dream to win the bronze medal,” ani Kris.

Ayon naman kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, wala siya sa posisyon na magkomento sa naturang tweet ng aktres.

Nabatid na nagkuwento pa si Kris kung paano nalampasan ng kanyang pamilya ang mga naging pagsubok sa buhay kabilang na noong panahon ng Martial Law.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply