Malakanyang pinagpapaliwanag sa deployment ban

HINIHINGAN ng Senado ng paliwanag ang Malakanyang ukol sa pagbabawal nito na i-deploy ang mga overseas Filipino workers sa 41 bansa.

Ayon kina Senadora Loren Legarda at Senador Francis Escudero, kailangan na itong klaruhin ng Malakanyang dahil nakataya kapwa ang kapakanan ng mga mangagawa sa ibayong dagat at relasyon ng Pilipinas sa 41 bansa.

Kinastigo ni Legarda, chair ng Senate committee on foriegn affairs ang Malakanyang, maging ang Departtment of Labor and Employment at Department of Foriegn Affairs dahil sa kawalan ng koordinasyon.

Ipinaliwanag ni Legarda na ang Dole ang nag-apruba ng resolusyon ng POEA na nag-uutos ng deployment ban sa 41 bansa na umano’y walang kaukulang sapat na batas para tiyaking ligtas at protektado doon ang mga OFW.

Pumalag naman ang DFA at iginiit na ipagpaliban ang deployment ban dahil sa manganganib ang diplomatic relations ng Pilipinas sa 41 bansa.

Duda ang senadora dahil mahirap na pagtiwalaan ang Dole at DFA sa pagtiyak ng proteksyon sa mga OFW dahil sa nagaganap na salpukan ng dalawang ahensya.

Sa panig naman ni Escudero, chairman ng Senate committee on labor, dapat na tiyakin ng Palasyo na maayos ang koordinasyon ng mga Gabinete nito, kasabay ng paghingi ng paglilinaw kung matutuloy ba o iho-hold ang deployment ban.

Sa kabila nito, pinuri naman ni Escudero ang POEA at DFA sa ginagawang aksyon dahil sa nakikita ang determinasyon na protektahan ang mga OFW alinsunod sa Migrant Workers Act.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply