Malakas na bomba, narekober sa Cotabato

HINIGPITAN pa ng pulisya at militar ang pagbabantay sa isang linggong selebrasyon ng 75th Foundation Anniversary sa Midsayap, North Cotabato,  kasunod ng pagkakarekober ng 66th Explosive Ordnance Disposal Team ng isang malakas na uri ng improvised explosive device (IED) sa Purok Tres Rosas, Brgy. Sadaan, Midsayap.

Ayon kay Mark Salva, drayber ng isang traysikad, sumakay umano ang isang hindi nakilalang pasahero mula sa bus terminal at nagpahatid sa isang malaking pamilihan.

Nagtaka si Salva dahil hindi na bumalik ang kanyang pasahero kaya sinita siya ng security guard na umalis na dahil nakakaabala na ito sa daloy ng trapiko.

Dinala ng drayber ang karton na may lamang thermos sa kanilang tahanan ngunit nang buksan ay nagtaka siya dahil may laman itong wires at mabigat.

Kaagad niya itong itinapon at tumawag ng mga pulis.

Mabilis na rumesponde ang mga bomb experts ng Philippine Army at dinefuse ang naturang bomba.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa pamumuno ni Supt. Franklin Anito para makilala ang suspek na nag-iwan ng bomba sa tricycle.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply