Malalaking pantalan itatayo ng DOTC sa Mindanao

PLANO ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang pagtatayo ng higit na malalaking pantalan sa Mindanao.

Ayon sa ulat layunin ng pagtatayo ng malaking pantalan ay upang mapababa ang shipping cost mula sa economies of scale, mapataas pa ang agricultural production at makapaglikha pa ng maraming trabaho.

Ayon kay Transportation and Communications Secretary Mar Roxas, sa halip na magtayo ng maliliit na pantalan sa bawat isla ng bansa, makabubuting magtayo na lamang ng malalaking pantalan sa mga farm central.

Naniniwala ang kalihim na magkakaroon ang naturang plano ng paborableng “economic impact” sa agricultural production at trade.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply