Malalaswang disc jockey dapat parusahan ng KBP

PINAKIKILOS ng isang obispo ang Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas upang parusahan ang malalaswang disc jockey o DJ sa radyo.

Nananawagan si Sorsogon Bishop Arturo Bastes, sa pamunuan ng KBP na parusahan ang mga isatsyon ng radyo at mga anchor o DJ na gumagamit ng malalaswang salita habang nagpoprograma on air.

Ayon kay Bishop Bastes, hindi maganda para sa Kristiyanong bansa na gamitin ang radyo upang ipalaganap ang imoralidad sa lipunan.

Trabaho aniya ng KBP at ng mga namumuno ng isang himpilan na disiplinahin ang kanilang hanay lalo pa’t malaki ang gampanin ng media sa buhay ng mga kabataan.

“We should use good words on air na makakatulong upang maingat ang pagkatao at moralidad ng mga Filipino. Marami ng problemang kinakaharap ang ating mamamayan. Balot na sila sa sekular na mundo tapos ganito pang mga anchor at DJ’s ang kanilang maririnig on air, ano na mangyayari sa ating lipunan? Sana the media people should build our nation by giving them good language, good music, good issue, good speeches etc!” wika ni Bastes sa panayam ng Radyo Veritas!

Sinabi pa ng Obispo na dapat ng tulduka ang bastos na pananalita ng mga DJ’s  dahil imbes aniya na kapulutan ito ng mga kabataang listeners ay  sila pa ang sumisira sa kanilang magandang values at pag-uugali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply