Malawakang kilos-protesta kasado na

KASADO na ang panibagong malawakang protesta ng Kilusang Mayo Uno (KMU) upang batikusin ang kaliwa’t kanang pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.

Batay sa KMU, magsasagawa ng kilos protesta sa Nobyembre 30 para isulong ang pagkakaroon ng umento sa sahod dahil mabilis umanong kinakain ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin sa serbisyo ang P22 cost of living allowance (COLA) na ibinigay ng pamahalaan noong Mayo.

Dahil dito, muling igigiit ng grupo ang pag-apruba sa P125 Wage Hike Bill na matagal nang nakabinbin sa Kongreso.

Pinaplantsa na ngayon ng mga grupo ang sabay-sabay na kilos-protesta kasama ang iba pang militante patungo sa Mendiola, Maynila sa katapusan ng buwan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply