Mamang pulisss…ang daming holdaper

HINDI lang madalas kundi araw-araw ang nangyayaring mga holdapan sa Tambunting near Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila.

Ang nakapagtataka ay kung bakit  ang dami ng mga pulis ng Manila Police District pero walang ginagawa ang mga ito kundi ang magpalaki ng kani-kanilang mga yagbols.

Biruin ninyo, kahit madalas na may nangyayaring holdapan sa kanto ng Tambunting at Blumentritt ay wala man lamang nakikita ang mga tao na pulis na manghuli ng mga holdaper.

Ano kaya ang magagawa ni MPD Director Gen. Alex Gutierrez ngayong siya na ang district director ng MPD?

Basahin natin ang reklamo sa ating text  message.

Magandang araw po. Sana mabasa ito ng mga pulis  Maynila. Masyado yata silang marami para magkumpulan sa isang lugar.

Marami kasing holdapan na nangyayari sa may Tambunting ‘yung malapit sa Blumentritt.

Hanggang  papuntang 3rd Avenue.

Wala man lang pong mga pulis na naka-standby roon at saka madilim. Sana po mag-assign sila roon ng pulis. Salamat po. (Huwag niyong i-publish ang number ko). God bless.

LOTTENG SA RIZAL LARGADO NA

Sa lalawigan ng Rizal sa kaharian ni Provincial Director Supt. Manuel Cesar Prieto ay nag-full blast na ang operasyon ng bookies ng loteng ni Bong SOLA ng Cainta.

Nakopo ni SOLA ang operasyon ng bookies  ng loteng sa buong lalawigan sa basbas ng bagman-collector ni Supt. Prieto na nakilalang si SPO4 Baylon.

Walang sinomang kapulisan sa lalawigan  ang  makapagpapatigil  ng pasugalan ni SOLA.

Si Bong SOLA ay isa sa mga kilalang gambling operator ng Cainta, Rizal.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o kaya i-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply