Mananatiling matamlay ang rating ng show ni Willie R.

MATAPOS na mag-produce ng concert ni Marvin Agustin ay pagpo-produce naman ng pelikula ang susunod na target ng actor.

Inamin ng aktor na na-stress siya sa pagiging concert producer kaya magpapahinga muna siya sa negosyong yun.

“Nakaka-heart attack kasi ang concert,” say ni Marvin na isa pa ring successful resto owner.

Ang makatulong sa tao ang ibinigay na dahilan ni Marvin kaya gusto niya namang mag-produce ng movie. Kung nagagawa raw niyang makatulong sa resto business, mas gusto niyang bumawi sa industriyang naging mabait sa kanya. “Maybe films, TV shows. Ito ang parang pagtanaw ko ng utang ng loob sa industriyang nag-shape sa akin. Hindi ako nakapag-aral pero tinuruan ako ng industriyang ito para mabuhay. So as much as possible, kung magagawa kong mag-provide sa mga restaurants ko ng trabaho sa mga tao, bakit hindi ko magawa rito kung saan ako lumaki? Yun ang priority ko,” say pa ni Marvin.

Kaya sa tuwing magkikita raw sila ni Vic Sotto ay lagi niyang tinatanong si Bossing kung paano magproduce ng movie at binibigyan naman daw siya ng advice ng sikat na TV host/ comedian.

***

PREDIKSYON ni Bro Mhon na may dalawang laban pa bago magretiro si Manny Pacquiao at isa sa laban nito ay ang matagal nang hinihintay ng mga boxing fans na Manny at Floyd fight. Mananalo raw si Pacquiao kay Mayweather.

Kung walang magiging aberya ay magkakaroon din daw ng ikaapat na laban sina Manny  at Juan Manuel Marquez at mananaig daw muli ang Pambansang Kamao kapag natuloy ang kanilang laban.

Payo lang ni Bro Mhon kay Manny na bawasan ang pagiging womanizer nito para mapanatili ang kasikatan at manatiling kampeon sa ring.

Matatapos rin daw ni Pangulong Noynoy Aquino ang term niya at makakapag-asawa rin daw ang Pangulo pagkatapos ng kanyang term as President.

Malaki rin daw ang posibilidad na makulong si former President Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa maraming kaso ng korapsyon at pandarayang ginawa raw nito.

Pero ito raw ay hindi mangyayari sa term ni PNoy dahil ang mga nakaupong justice sa Supreme Court ay pawang mga itinalaga ni Gloria kaya hindi pa siya mako-convict, sa susunod pang limang taon.

Wala na rin daw ang kamandag ni Joseph Estrada sa pulitika at ang anak nitong si Senator Jinggoy Estrada ay hindi na raw tataas pa sa pagiging senador. Hindi rin raw ito magiging vice-president.

Hindi magiging President si Manny Villar sakaling tumakbo raw muli ito at hanggang vice president na lang daw si Jejomar Binay dahil malalakas ang maaari niyang makalaban.

Babae raw ang susunod na President pagkatapos ng terms ni PNoy at possible raw si Kris Aquino

Si Senator Bong Revilla ay makakarating pa sa mas mataas na posisyon, maaari raw maging vice president.

Wala na raw mangyayaring reconciliation sa pagitan nina Kris Aquino at James Yap pero sisikat raw nang husto si Baby James.

Si Willie Revillame naman daw ay hindi na sisikat pa nang higit pa sa kasikatan niya ngayon. Ang matamlay na rating ng kanyang show ay mananatiling matamlay.

Sa susunod ang iba pang prediksyon ni Bro Mhon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply