Mancao protektado pa rin ng WPP

MANANATILI pa rin sa witness protection program (WPP) ng pamahalaan si dating police Colonel Cesar Mancao.

Ito’y matapos tuluyang i-absuwelto ng Korte Suprema sa pagkakadawit sa pagpaslang sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito si Sen. Panfilo Lacson.

Kinatigan din ng Supreme Court (SC) ang pahayag ng Court of Appeals (CA) na hindi kapani-paniwalang testigo si Mancao.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng dating police colonel, nag-usap na sila ni Justice Sec. Leila de Lima at sinabi aniya ng kahilim na wala pang balak na tanggalin sa ilalim ng WPP ang kaniyang kliyente.

Dagdag pa ni Atty. Topacio, puwede pa naman daw tumestigo si Mancao sa iba pang akusado gaya ni Michael Ray Aquino.

Ngunit ayon kay Sen. Lacson, dapat umanong ituring na akusado si Mancao.

Sinabi ni Lacson na dapat magsisi ang dating tauhan at bawiin ang kanyang akusasyon laban sa kanya sa harap ng korte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply