Manggagawa dapat maghain ng petisyon para sa wage hike

IMINUNGKAHI ng Department of Labor and Employment (Dole) sa mga manggagawa na maghain panibagong petisyon para sa hirit na wage hike.

Ayon sa mga manggagawa, hindi sapat ang dagdag na P22 sa minimum wage sa mga empleyado na ibinigay noong nakaraang Mayo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.

Ayon kay Dole Usec. Lourdes Transmonte, sa halip na bumalik sa kalsada at magsagawa ng rally ay mas mabuting maghain na lang ang mga manggagawa ng petisyon sa bagong apela na dagdag suweldo.

Sinabi pa ni Transmonte, hindi naman  ganoon kabilis ang pagpapatupad ng wage increase dahil dadaan pa rin naman ito sa pag-aaral at aalamin kung may kakayahan na magbigay ng dagdag sa suweldo ang mga employer.

Pero kung may intervening event o malaking dahilan para ipatupad ito ay puwede naman ipatupad ang kanilang hirit na dagdag suweldo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply