Mangingisda kinatay

NAGTAMO ng 14 na saksak sa katawan ang isang 19-taong gulang na mangingisda makaraang pagsasaksakin ng dalawang lalaki sa Sitio Luyo, Barangay Culasi, Roxas, Capiz.

Nakilala lamang ng pulisya ang biktima sa pangalang Itcoban na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa nakasaksi na si Joseph Agustin, nakita umano niyang ginugulpi ng dalawang binatilyo ang biktima subalit hindi siya nakatulong dahil pinigilan siya ng kanyang asawa.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na away sa babae ang naging ugat na pamamaslang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply