Manyak ng Quezon City Hall at palamurang titser

BIGYAN naman natin ang ating mga tagasubaybay ng espasyo ukol sa kanilang mga problema, paniniwala, panawagan sa mga kinauukulan at iba pa.

Sinomang masasaling ng mga pahayag ng ating mga reader ay malayang sumagot sa espasyong ito.

PALAMURANG PRINCIPAL

Kaming mga guro sa Golden Acres National High School, Las Piñas City ay nagnanais na itawag-pansin ang pagiging ‘di professional ng aming principal na si  Dr. EDITA  B. VALDEZ.

Mahilig po siyang magmura nang hindi mo makain. Kami pong mga teacher na katulad niya ay professional.

‘Yung kanyang mga mura ay maririnig mo lang sa kalye o sa mga taong palaaway. Maliban sa pagmumura, bastos din po dahil pati mahahalay na pananalita ay nasasabi niya.

Nais naming mai-correct ang aming principal.

Kahit sa panahon ng miting minumura kami at sinisigawan.

May nagreklamo na sa kanya sa aming District Office ngunit walang nangyari.

Dahil dito ay nagyayabang pa at pahamong nagsalita ng “Sino pa ang magsusumbong?”

Ito’y dahil nakilala niya ang sumulat. Sir, sana po ay mai-correct po ang aming principal.

Maraming salamat po. Concerned Teachers, Golden Acres HS. +63919538….

O DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, baka pupuwede ninyong silipin kung may katotohanan o wala ito at makagawa na rin kayo ng kaukulang aksyon.

MANYAKIS NG QC HALL

Sir Benny, nais lang po naming isumbong si German Bong Magpayo na empleyado ng Quezon City Hall.

Masiba siya sa  kotong sa mga vendor ng Congressional Avenue, Brgy. Ramon Magsaysay, QC.

Bukod dito, e manyak pa at nanghihipo ng babeng vendors.

Huwag niyo pong i-publish ang number ko.

Sana po ilabas niyo po to sa ultimatum para makalampag ang abusadong empleyado ng city hall. +63938590….

GRADES PINIPIGIL NG TITSER

Good day, Sir Benny. Sa ultimatum, more power. Ipararating ko lang sa programa mo na rito sa Bicol University, Legaspi campus, Legaspi, Albay, ang mga 2nd year ng i.t. course ay hindi makaenrol dahil sa pag-hold ng isang professor sa mga grade nila.

Kawawa ang mga commuter sa malalayo na ‘di makapipili ng schedule na maaga just in case na makaenrol kasi closed na. Don’t publish my number. Ty. +63920640….

HARASSMENT LANG KAY GMA

Marami ang naniniwalang ang ginagawa nina De Lima at PNoy ay purely harassment at naniniwala rin kami na dapat nang magkaroon ng k#*^<%@Y.    +63947498….

MUKHA MAKAPAL

Makapal talaga ang mukha ng mga tuta ni Gloria.

Nabigyan lang kayo ng nakaw na pera ng taumbayan, lumitaw na naman kayo. Mga buwaya, ang kakapal ninyo talaga, pweh! +63915223….

HINDI PINAGAMOT NG EMPLOYER

Good evening po. Concerned lang ako sa kapitbahay ko na naaksidente sa trabaho pero hindi pinaospital ng employer niya!

Pinangakuan pa na babayaran ang araw na hindi siya nakapasok pero hindi naman ibinigay.

Binigyan lang ng 50 pesos na pambili ng gamot pero hanggang doon na lang ang suporta nila.

Hindi rin nila kinuhanan ng SSS ang biktima at ang sahod ay lagi pang delayed ng 1 linggo.

Hihiling sana ako ng tulong para maturuan ng leksyon ang HARDIN DE MANILA. +63929789….

Maingat nitong tinitimbang ang mga ebidensiya at batas na nauukol dito at kung pupuwede nang magkaroon ng probable cause ang Sandiganbayan, diyan na siya lalarga.

KOTONG NG CAINTA POLICE

Magandang umaga po, sir.

Pakipaabot naman po sa mga kinauukulan sa pamamagitan ng inyong column sa peryodiko  para po mapahuli at mabigyang-aksyon ang pangongotong sa amin.

May nanghihingi ng 25 pesos sa mga puj.

Pilit nila kaming tinatawagan at kapag hindi po kami nagbigay, hinahampas at hinahabol kami ng tubo.

Para raw po sa hepe ng police-Cainta iyon. +63935278….

CASH BOND ‘DI IBINIBIGAY

Good pm po, sir Benny.
Pakikalampag nga po ang Elite Security Agency.

Matagal na pong resigned ang tao sa kanila, hindi pa rin nila ibinìbigay ang mga cash bond.

Pinapabalik-balìk po nila, puro bukas ang sinasabi nila kapag pumunta ka sa office nila para makuha.

Sobrang gastos at pagod ang napapala ng tao sa kapupunta sa kanila. +63928720….

PEACE TALKS OK LANG PERO…

Good am po, sir.

Ok lang po na tuloy ang peace talks ng government at Moro Islamic Liberation Front. Pero kapag lumabas sila sa areas of temporary stay, kailangan na ng military action. Salamat po.+63930290….

KINAKAWAWA NI PNOY

Pangulo, kinakawawa n’yo naman kaming mga militar.

Nagbubuwis kami ng buhay para sa bayan.

Ito ba ang ganti sa amin, kahit sa ikinabubuhay namin ay napagsasaman talahan pa?

Gising, mahal na Pangulo!

Kaming mga kawal ay naghihintay sa tuwid na landas at may buhay rin kami. +63919964….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply