Mar Roxas isinabit sa P660M DBP loan mess

ISINABIT ni Sen. Sergio Osmeña III si Transportation and Communications Secretary Manuel “Mar” Roxas  na nag-utos sa mga opisyal ng Development Bank of the Philippines (DBP) na durugin si Roberto Ongpin hinggil sa P660 milyong inutang nito sa banko.

Sa panayam bago magsimula ang sesyon nitong Lunes, sinabi ni Osmena na inutusan umano ni Roxas si Jose Nunez, chairman of the board ng DBP na “papanagutin” si Ongpin sa inutang na nakuha dahil kaibigan nito si dating first gentleman Mike Arroyo.

“I believed that they suspect it was Mar (Roxas) who ordered (DBP president Jose) “Pepo”  Nunez to go after Roberto Ongpin,” ayon kay Osmena.

Idiniin pa ni Osmeña na nag-uugat ang pagdurog kay Ongpin sa away nina Roxas at Vice President Jejomar Binay partikular ang Balai at Samar groups na pawang paksiyon sa loob ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino.

Iniimbestigahan ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee ang pag-utang ni Ongpin sa P660 milyon sa DBP noong 2009 na pinaniniwalaang behest loan dahil malapit na kaibigan nito ang dating unang ginoo, Mike Arroyo.

Ngunit, hindi naman maipaliwanag ni Osmeña ang koneksiyon ni Ongpin kay Binay o anumang grupong kaaway ni Roxas kundi sinabi lamang niya na malapit din siyang kaibigan ng bise presidente at kasamahan niya ito sa partido.

“I am closed to Vice President Binay, were with the PDP-Laban,” ayon kay Osmeña.

Binanggit din ni Osmeña na may ilang senador na pawang nagtatanggol kay Ongpin sa pagdinig dahil malapit o naging abogado sila ng dating trade minister kaya apat na lamang silang kumukuwestiyon sa kontrobersiyal na pautang ng DBP.

“You can see, all four senators, namely Sens. Edgardo Angara is a closed friend of Bobby Ongpin, way before in 1977 during the stint of Ongpin in SGV, Angara is a very close friend of Ongpin,” ayon kay Osmeña.

Hindi naman pinabulaanan ni Angara ang pasaring ni Osmeña kundi inamin niyang kaibigan nga niya ang dating trade minister at dati nang kakilala sa panahon nito sa SGV noong 1977.

Binanggit din ni Osmeña na sina Sen. Pia Cayetano at Francis Escudero na pawang nagtatanggol kay Ongpin dahil naging abogado sila nito noong bago mahalal bilang senador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply