Mara Yokohama dyowa ng Volcanoes team member na si John Odulio?

NAKU, habang pinanonood ninyo ang Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown simula sa Nov. 14 sa GMA-7, marami kayong madidiskubre na nagka-in-love-an habang nasa San Vicente, Palawan ang grupo. Isa sa matunog na couple rito ay sina Mara Yokohama, ang daughter ni Maria Isabel Lopez at ang Volcanoes team member na si John Odulio.

Hula namin ay sila iyong binabanggit ni Isabel sa interview namin sa kanya sa presscon ng Survivor Philippines last Tuesday night na may isang Castaway na sobra-sobrang mag-text sa anak niya kahit tapos na ang taping sa island.

Tapos, noong nasa presscon ay panay ang kindatan nina Mara at John. Parang very close na sila sa isa’t isa ngayon.

Nang nakausap din namin ang partner ni John sa Survivor na ka-teammate niya sa Volcanoes na si Arnold Aninion ay may binanggit siya ring nagka-in-love-an sa island.

Parehong outgoing at mahilig sa sports sina Mara at John. Puwede nga silang magkasundo nang husto. Pareho silang athletic at hilig ang lumangoy sa dagat. Kita nyo naman, pareho silang tan sa presscon. One thing more, bagay ang height nila dahil di gaanong matangkad si John.

Pareho din silang gorgeous people. Ipinagmalaki ni John na siya yung nasa Eds billboard ng Volcanoes na naka-pink Bench underwear. Yung ipinatanggal ng mayor ng Mandaluyong na si Benhur Abalos.

000

AKALA ni Stef Presscott ay katapusan na nang mundo niya nang siya’y makagat ng ahas na Philippine Cobra sa San Vicente, Palawan, bandang ala-una ng madaling araw. Ang kagat ng ahas ay may marka pa ng pangil ng cobra sa kanyang left ankle. Binigyan siya agad ng first aid ng paramedics, tapos, kinailangan siyang dalhin agad ng private plane nang oras ding iyon dahil bumaba ang kanyang white blood platelets.

Ani Stef: “Sa Palawan pa lang ay sinaksakan agad ako ng anti-venom. Buti di ako allergic. Tapos sinakay agad ako sa private plane. Dinala ako sa Makati Medical Center. Tapos, two days din akong na-confine. Bumalik agad ako sa isla.”

Kailangang saksakan agad si Stef ng anti-venom dahil ang Philippine cobra ay neuro toxin. Ang inaatake ng kamandag ng ahas ay ang ating central nervous system.

Kaya bago siya umalis ng Makati Med, in good shape na siya. Na-correct agad ang pagbaba ng whitle blood cells.

000

SOBRANG suwerte ang pelikulang Aswang ni Lovi Poe at partner niya si Paulo Avelino. Kasi last Monday (Nov. 7), dahil holiday, muli na namang humatak ng movie goers ang “Aswang.” Ayon sa report ng Regal Films, naka-P5 million last Monday ang total gross nang araw na iyon ang Aswang.

So far, ang Aswang ang pinaka-successful horror movie ngayon ni Mother Lily. Nung ngang first day gross nito ay nakaabot ang movie ng P6.5 million.

Dahil success ng movie ni Lovi sa direction ni Jerrod Tarog, may kasunod agad na assignment si Lovi sa Regal, ang pagsasapelikula muli ng Disgrasyada, na unang nilabasan ni Rio Locsin, na nagtampok sa kanya sa stardom.))

000

NAKAUSAP namin ang dating acting coach ng GMA-7 na si GA Villafuerte. Nag-iba na pala siya ng linya ng kanyang career. Siya’y ganap ng director ngayon ng pinaka-bold na indie film, ang “Id’nal,” na nakatakdang ipalabas sa UP Film Center sa Nov. 11, 2011. (11-11-11).

Ang Id’nal ay tampok ang psychic na si Eirik Cruz na lumabas na rin sa ilang mystery shows ng GMA 7. Pinasok na niya ang pag-arte dahil sa ambition rin niyang maging actor. Eh, 27 years old na siya ngayon kaya gusto niyang mapansin ang kanyang acting kaya naman kahit ang pika-bold na Id’nal movie ay pinasok niya. Kahit pa may nudity ito ay kinaya niyang gawin dahil sa palagay niya, sining din ang pagpapakita ng katawan.

Kasama ni Eirik sa Id’nal (Mapusok) sina Orlando Sol, Miguel Alcantara, TJ Morillo at Anton Nolasco.

Nasa supporting role rin ang kapatid ni JC Tiuseco na isang businessman na ngayon pero hilig din ang pag-arte na si Karl Tiuseco.

Ang movie ay produced ng Ecstatic Entertainment Productions na pinamamahalaan ni Julz Lee. Ang movie ay written and directed by GA Villafuerte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply