Marami ang nagugutom sa kotong at petrolyo

KUNG nais ni PNoy na mabawasan ang mga nagugutom at tumino ang pamahalaan, kasama sa dapat nitong tutukan ang pagbabantay sa mga lansangan.

Diyan sa lansangan nakikita kung anong gobyerno mayroon tayo sa kasalukuyan.

Sa totoo lang, hindi si Gloripie, Suki, ang problema ng milyong katao, lalo na ang mga tsuper o operator kaya ng mga traysikel, dyipni at iba pang pampublikong sasakyan.

Ang kasalukuyang pamahalaan mismo, mga tauhan nito at batas at patakaran.

oOo

Umiiyak na ang mga tsuper sa kahuhuli sa kanila ng mga pulis at trapik enporser sa bawat bayan.

Lalo na ang mga bumabagtas ng iba’t ibang bayan ayon sa kanilang mga prangkisa.

Por eksampol diyan sa MacArthur haywey na mag-mumula sa Monumento, Caloocan City hanggang sa Norte.

Napakaraming bayan, Suki, ang dinaraanan ng mga dyipni mula Monumento hanggang Malolos o Sta. Maria Bulacan o Baliwag.

Meron ding mga hindi umaabot sa Monumento pero kung ilang bayan din ang kanilang binabaybay.

Alam ba ninyo kung gaano kabigat ang pangongotong ng mga hinayupak na ito?

Nahuhugot lahat ang kita ng mga tsuper at operator dahil pinakamababa sa mga multa ang P150.

Napakabigat na nga ang hindi makontrol ng gobyerno ng mahal na petrolyo, kinakambalan pa ng ito ng grabeng pangongotonng.

oOo

Alam ba ninyo ang ikinatatakot ng marami sa ganitong kalagayan?

Natitiis ang gutom kung hindi maiwasan.

Ngunit kung idinudulot na ng kotong at pamemera ng gobyerno sa langis ang dahilan nito, ewan natin kung saan tayo hahantong.

PNoy, paano ba ito?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply