Maria Aragon patungo ng Amerika para sa Pacquiao-Marquez fight

PATUNGO na ngayon ang Pinay YouTube sensation na si Maria Aragon sa Las Vegas, Nevada para sa laban nina Filipino boxing icon Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.

Si Aragon ay personal na pinili ni Pacquiao upang umawit ng Lupang Hinirang sa kanyang laban kay Marquez sa Linggo, (Nob. 13 sa Pilipinas).

Dakong alas-onse ng umaga ng lumipad ang eroplano ni Maria kasama ang kanyang ina patungong Amreika.

Ayon kay Aragon, nagsanay pa siya sa National Historical Institute upang maayos na makanta niya ang pambansang awit.

Si Aragon ay naging instant sikat matapos na matuklasan ni Lady Gaga sa YouTube na kinakanta ang kanyang kantang “Born This Way.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply