Maricar Reyes panira ng relasyon

MAKARAAN ang pag-iyak sa telebisyon ni KC Concepcion para kumpirmahin ang paghihiwalay nila ni Piolo Pascual, lumalabas naman ngayon na si Maricar Reyes ang dahilan ng kanilang sigalot.

Dahil sa balitang ito, nagiging tampulan na naman ng kontrobersiya si Maricar na nauna nang itinurong dahilan din ng paghihiwalay nina Luis Manzano at Angel Locsin.

Naunang pumutok ang pangalan ni Maricar dahil sa sexy video ng kanyang kasintahan noon na si Hayden Kho.
-000-

Kung babalikan si Piolo bahala na si KC – Gabby

KAGAYA ng sinabi ni Sharon Cuneta, tiwala ang dati nitong mister na si Gabby Concepcion na malalampasan ng kanilang anak na si KC Concepcion ang pinagdadaanang sakit kasunod ng paghihiwalay nila ni Piolo Pascual.

Ayon kay Gabby, bagama’t hindi siya sanay na makitang umiiyak ang anak sa telebisyon, alam niyang magiging mas matatag ito sa oras na makalimutan na ang lahat ng sakit.

Inamin din ng ama ni KC na noong una ay nagalit siya dahil nasaktan ang anak pero wala na raw itong magagawa kungdi alalayan si KC sa pagmu-move on nito.

Nang matanong naman kung dapat bang bigyan pa ng kanyang anak ng pangalawang pagkakataon si Pascual, ipinauubaya na raw ito ni Gabby sa kanyang anak.

Ayon kay Gabby, si KC lang naman daw kasi ang nakakaalam kung ano ang gusto nito sa buhay at hindi siya ang magdedesisyon para rito.

Aniya, “Nasa kanya ‘yon kung gusto niyang balikan. You know it’s not for me to decide. You can’t control love. If it happens, it happens. Parang kidlat ‘yan, di mo alam kung kailan ka tatamaan. It’s like death, di mo alam kung kailan mangyayari. If it happens, you know if it’s real. I know kay KC, totoo ‘yon.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply