Market inspector, sekyu todas sa riding-in-tandem

INAALAM ngayon ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa pamamaril na ikinamatay ng market inspector at ng officer in charge (OIC) security guard ng Commonwealth market sa barangay Commonwealth kaninang madaling araw sa Quezon City

Namatay noon din ang market inspector na si Wilson Silva dahil sa tatlong tama ng bala sa ulo at puso, samantala  apat na tama ng bala sa ulo at katawan naman ang tama ni Layseto Aragon.

Sa inisyal na imbestigasyon, naka-upo lamang si Silva sa harapan ng Commonwealth market matapos mag-ikot sa loob ng palengke nang lapitan ng mga suspek na riding-in-tandem at pagbabarilin.

Nagtangka pang tumulong ni Aragon, pero pinagbabaril din ito ng mga suspek at agad na tumakas.

Sa kasalukuyan masusing iniimbestigahan ng awtoridad ang naganap na madugong insidente at inaalam na rin ang motibo sa pamamaril sa mga biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply