‘Marquez sabik na kay Pacquiao’

ATAT na atat na si Manuel Marquez na sapakin si Filipino ring icon Manny Pacquiao.

Sinabi ni Marquez nasa tamang kondisyon na ito at handa ng makipagbasagan ng mukha kay Pacquiao sa kanilang 12-round match sa MGM Grand Arena sa Las Vegas sa darating na Linggo (Nobyembre 13, petsa sa Pinas).

Dumating sa California ang 38-anyos na si Marquez kung saan ay tinapos nito ang kanyang preparasyon sa Mexico.

Ayon kay Marquez sabik na sabik na ito na dumating ang araw ng kanilang laban matapos ang 11 weeks ng paghahanda.

Ipinagpaliban ni Marquez ang kanyang isparing dahil sa sobrang lamig na hindi niya makayanan.

Nakipagkita na lamang si Marquez sa mediamen para mag-pose at mag-autograph signing sa mga fans na may dalang kopya ng Pacquiao-Marquez III posters.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply