Marquez tulog sa round 1 — Roach

KUNG nitong nakaraang buwan ay 6th round ang kanyang prediksyon, kanina ay sinabi ni trainer Freddie Roach na patutulugin ni Manny Pacquiao si Juan Manuel Marquez sa unang round.

Ayon kay Roach, hindi dapat kumurap ang mga manonood sa 12-round title match ng dalawa dahil sa unang round pa lamang umano ay tutumba na ang Mehikano.

Sinabi ng trainer ng Pambansang Kamao na hindi na dapat magulat ang mga tao kapag nangyari iyon dahil sa sobrang lakas ni Pacquiao ngayon makaraan ang matinding dalawang buwan na pagsasanay.

“Don’t be surprised if this fight goes one round. I know that’s a bold statement,” ani Roach.

Naniniwala si Roach na makikipagsabayan si Marquez kay Pacquiao dahil minsan na niya
itong nasaktan sa huling laban nila.

Kapag ginawa aniya iyon ni Marquez ay tiyak na matutulog ito nang maaga.

“I think he (Marquez) will try to exchange with Manny, come after Manny because he has hurt Manny a couple of times in the past. But if he does that, he’ll end up on the floor,” wika ni Roach.

Idinagdag pa ni Roach na ang mabilis na pagdaragdag ni Marquez ng masel ay nangangahulugang pinaghahandaan nito ang pakikipagsabayan ng suntok ng Mehikano kay Pacquiao.

Subalit sinabi niyang mas makabubuti ito sa panig ng Pambansang Kamao.

“There’s only one reason why they put on those muscles in so short a time. And I think it’s a mistake and I love it for my guy,” ayon kay  Roach na five-time Trainer of the Year awardee.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply