Marquez uunahan si Pacquiao

PLANO ni Juan Manuel Marquez na puntusan agad si Manny Pacquiao sa unang round upang makaipon ito ng pondo at maiuwi ang tagumpay sa kanilang ikatlong paghaharap na gaganapin sa Sabado (Linggo, Nobyembre 13 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

“I’m not going to hesitate if the opportunity comes to knock him out,” pahayag ng Mehikanong si Marquez.

Matagal hinintay ni Marquez na matupad ang ikatlong labang ito at wala umano siyang sasayanging pagkakataon sa ibabaw ng ring.

“It’s always a spectacular whenever I fight Pacquiao. That’s why I think it’s going to be a great war between us,” dagdag pa ni Marquez (53-5-1, 39 KO).

Noong Huwebes (Nobyembre 10) sa final press conference sa Hollywood Theatre, ang magkabilang kampo ay hindi nagpahaging ng anumang maaanghang na salita ayon sa isang boxing website.

Sa halip, pawang ang kahandaan lamang at kung ano ang inaasahan ng mga fans ang ipinangako ng dalawa.

“I want the fans to see a good fight,” wika ni Pacquiao. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply