Martial law ulit?

NAG-IINGAY si Mang Joker Arroyo ukol sa martial law.

Hindi naman niya sinasabing magdedeklara ng martial law si PNoy dahil lang sa problema nito kay Gloripie.

Baka bumangon pa sina Ninoy at Cory na parehong batang demokrasya para sinturunin siya.

Pero istayl martial law umano ang ginagawa nina PNoy at DOJ Secretary Leila de Lima.

Sapagkat binabalewala ng Palasyo ang itinatadhana ng Konstitusyon para sa kalayaan ni Juan na maglakbay maliban lang sa tatlong dahilan gaya ng “national security, public safety at public health.”

Pero itong pag-iingay ni Joker ay naganap noong wala pang TRO na iniisyu nina Mang Atong Corona at ng hindi pa aktwal na sinuway ng mag-among PNoy at Leila ang TRO.

Ano na kaya ngayon ang masasabi ni Mang Joker makaraang may mangyari sa Ninoy Aquino International Airport?

oOo

Pero suwerti ang mga naglalaban-laban diyan dahil may pera silang panggastos.

Para sa abogado at parana rin sa pag-iskyerda nila kung sakaling magkagiyera-giyera sila nang mata sa mata, ngipin sa ngipin at gulugod sa gulugod.

Paano nga kung si Juan na ang apektado ng pamimigil ng gobyerno sa kalayaan sa paglalakbay?

Isa pa, paano kung gagamitin ng pamahalaan ang ganitong kapangyarihan  sa ibang mga bagay at si Juan ang nasasangkot?

Aba, nakatatakot nga yan.

Lalo na kung tsismis lang sa text gaya ng asylum ang magiging batayan ng pamahalaan ng aksyon nito.

Pero higit na nakatatakot kung pati ang Korte Suprema ay nindi pinakikinggan ng pamahalaan at tanging ang sarili nitong katwiran ang sinusunod.

Sa nagaganap na ito, maganda sigurong matuto nang magdasal si Juan para sa Diyos siya magpasaklolo. Waaaaaahhhhh!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply