Mas makapangyarihan ang RTC sa SC

ONLI in da Pilipins ang naganap ngayon, Suki.

Mas sinusunod ng Palasyo ang mababang hukuman, ang regional trial court, kaysa ang pinakamataas na hukuman, ang Korte Suprema.

oOo

Tingnan ninyo ang naganap kahapon.

Nagdesisyon ang En Banc o lahat ng mga Hukom ukol sa problema sa temporary restraining order kaugnay ng watchlist order laban sa mga Arroyo.

Inisyu ang TRO laban sa watchlist order na pinalabas ng Department of Justice na nagbabawal sa mga Arroyo na lumabas ng repablik ni Juan nang walang pahintulot ng DOJ.

Sabi nina Chief Justice Renato Corona, tama ang TRO at dapat na sundin ng DOJ ang desisyong ito.

Wataymen, dapat na payagan ng DOJ ang mga Arroyo na bumiyahe palabas ng bansa para magpagamot, lalo na si Gloripie, at para hindi malabag ang kanilang karapatan na bumiyahe.

Sa halip na sumunod, Suki, magkasunod sina Secretary Lacierda at De Lima sa pagsasabing hindi pupuwedeng pairalin ang TRO.

Hindi pa tapos umano ang lahat ng usapin dito gaya ng oral argument sa Korte Suprema sa Martes (Nobyembre 22).

Ito namang si De Lima, Suki, eh, nag-utos sa lahat ng mga nasa airport na bantayan at huwag palabasin ang mga Arroyo.

oOo

Pagdating ng hapon, naglabas naman ang Pasay Regional Trial Court ng desisyon ukol sa kasong pananabotahe umano sa halalan ni Gng. Arroyo noong 2007.

Binantayan, Suki, ng mga taga-DOJ at Comelec ang paggawa ng desisyon at nang maglabas ang RTC ng warrant of arrest, agad pinairal ito.

Mabilis na pinakilos ng DOJ at NBI ang mga pulis para arestuhin si Gloripie.

Dito nakita ang nakatatakot na mukha ng hustisya.

Diyos na mahabagin!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply